Mahal na Miyembro:
Ang sumusunod ay isang Form ng Reklamo Ukol sa Karaingan na maaari mong kumpletuhin upang pabilisin ang iyong reklamo. Kung kailngan mo ng tulong sa pagpuno sa form na ito, mangyaring tawagan kami sa 1-800-344-4222. Tatanggap ka ng liham ng Pagbibigay-alam ng Pagtanggap ng Reklamo sa loob ng tatlong araw pagkaraang matanggap ang reklamo at isang liham ng Pahayag ng Resolusyon ng Reklamo sa loob ng limang araw ng isang desisyon, pero hindi lalampas sa tatlumpung araw ng kalendaryo mula noong matanggap ang reklamo. Ang liham ng Pagbibigay-alam ng Pagtanggap ng Reklamo ay nagbibigay-alam na natanggap namin
ang iyong reklamo.
Maaari mo ring gamitin ang form na ito para iapela ang resolusyon ng inihain na reklamo dati. Ayon sa batas, kailangang malutas ang lahat ng karaingan sa loob ng tatlumpung (30) araw mula nang matanggap ang reklamo. Maaaring maging karapat-dapat para sa pinabilis na pagsusuri ang mga reklamo na tungkol sa karaingan sa mga kasong kinasasangkutan ng napipino at seryosong banta sa kalusugan ng miyembro, kasama ang, ngunit hindi limitado sa matinding pananakit, posibleng pagkamatay, pagkawala ng braso at paa, o pagkawala ng pangunahing paggana ng katawan. Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa proseso ng karaingan, pagiging karapat-dapat para sa pinabilis na pagsusuri, o sa iyong partikular na karaingan, mangyaring tumawag sa
800-344-4222.
Mangyaring malaman na maaari ka naming tawagan sa telepono para talakayin ang mga detalye ng iyong reklamo para matiyak ang kasiya-siyang resolusyon. Tiyaking ibigay sa seksyon na nasa ibaba ang numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan kung kinakailangan ng karagdagang talakayan.